Tuesday, December 14, 2010

No Money No Education

Para sa mga seryosong mag-aaral na hindi sumusuko sa Hirap ng buhay(naks)

Life is unfair.... Walang pera walang edukasyon.... walang edukasyon walang pera.... HUH? vice versa? pano nga ba nasabing ganun? napaka simple at mababaw ang dahilan.... una sa lahat...paano ka makaka kuha ng pera kung wala kang edukasyon?kung wala kang background sa larangan na pinasukan mo? paano ka makakapag aral kung wala kang pera?

may opportunity ang gobyerno na binibigay sa mga estudyante para makapag patuloy ng edukasyon...pero limited lang yun..... iilan lang ang mapapalad na nabbgyan ng pagkakataong mabigyan ng wastong edukasyon... dahil ang kailangan parin talaga "PERA"

pera ang nagpapaikot sa mundo!! pera ang buhay!! therefore.... ang naninirahan sa mundo "Ay MUKHANG PERA!!"

Madameng gimk ang mga estudyante para matulungan ang magulang na mabayaran ang tuition fee nila.... may nag papasada ng tricycle....may nag papaka pokpok at higit sa lahat may nagnanakaw....
okay ang pag pasada ng tricycle....pero ung sumunod na trabaho? napaka....PANGET na imahe ng isang estudyante, panget na experience para sa kanila... tila isa iyong bangungot ng nakaraan.....
pero ano pa bang magagawa nila? kung ayan lang ang alam nilang paraan para kumita pambayad ng tuition? sabihin na naten may mga iba pang trabaho na pwede nilang pasukan na sa tingin naman naten kaya nila.... pero LIMITED nanaman ang opportunity.... unahan.... kung baga.... maagap ka nga pero kung ung sumunod sayo ay mas maabilidad at mas may alam sau.... siya ang in...ikaw hinde...so panibagong hanap nanaman ng papasukan.... hanggang sa ganun at ganun nanaman ang nangyayari..ika nga....try and try until you die pero
nasasayang ang oras na nailalagi mo para makapag ipon pampaaral, sayang ang panahon...sayang ang dugo't pawis... sayang ang nilalagi mo sa mundo.... maniniwala ka nalang sa napakatandang kasabihang "Habang may buhay may pag-asa" dahil ang pag-asa "Daw" di nawawala, so napakamalas mong tao kung darating ang point na "in" ka kung kelan ka mamamatay...

kasalanan mo parin ba? kung ginawa mo na lahat....binigay mo na pati kaluluwa mo kay satanas para makapasok lang sa trabaho at wala parin.... ineffective parin kasalanan mo parin ba kung idadahilan nila sayong kulang ang taon na pinagaralan mo para makapasok sa ganitong trabaho??

"I did my best.... but the best wasn't just good enough" isa sa linya ng kanta ni Gary V. bagay sabihin ng mga estudyanteng desperadong kumita ng pera....

"ramdam ko ang ramdam mo" ganun ang gusto iparating ng mga nakaupo sa ikinauukulan.... pero para sa akin...napaka Ironic.. kasi diba... kung ramdam nila ang ramdam ng mga estudyante...baket karamihan sa kanila nangungurakot ng budget na sinasabi nilang "Pera ng Bayan"?
so ngayon ang nagiging epekto ng pangungurakot.... less ang nabibigay na serbisyo sa tao lalo na sa mga estudyante...
kung iisipin naten... "Hindi Sulit" ang binabayad ng mga tao sa Buwis, hindi sulit ang binabayad ng mga magulang naten na halos hikahos na sa hirap para kumita ng pera.... mabayaran lang ang sinasabing "Kayamanan" na napakamahal kung tutuusin...

"Edukasyon ay Kayamanan" ulitin ko lang... pero masasabi mo parin bang sulit ang kayamanang yan kung di ka na kayang pag-aralin ng magulang mo? ay naubos? ambilis naman? baket kamo? bilangin mo ang accounts payable ng magulang mo sa mga taong pinagkuwanan niya ng source para mabuo ang kayamanan....bilangin mo rin kung ilang notice na ng kapitbahay/bangko ang dumating sa bahay niyo, idagdag mo narin ang araw araw na gastusin at mga gastusin na kelangan para mabigyan kau ng wastong ilaw at tubig... bilangin mo na rin kung ilang bumbay ang pinatulan ng magulang mo at kung paano sila mananakot na kunwari susunigin kayong buhay pag di nagbayad....kaya napipilitan talagng ipambayad ang tuition mo ng magulang mo.

"karapatan ng bawat batang pilipino ang mabigyan ng wastong edukasyon" nakasaad yan sa batas Pilipinas... Pero paano nga kung walang pampaaral? kasi kulang ang binibigay na opportunity dahil kulang din ang budget? hay nako...paulit ulit nalang... kabaliw....

Karapatan karapatan karapatan...idinadaan parin sa Pera.... kawawang Pilipinong estudyante...

No comments:

Post a Comment