Thursday, January 27, 2011

Tour sa UP

hayzz....isang araw na naman ang nagdaan, at ayun. pumunta ako sa UP-CFA para mag apply for transferee....syempre first stop, sa MCDO para bumili ng green fizz...at mag CR... kung saan matatagpuan ang mala meditating room sa taas ng MCDO....bakit meditating room? aba'y andaming estudyante, sobra pang tahimik.... hindi kaya org yun? well who knows... XD

wala akong mahanap na jeep papasok.... kaya tinry ko maglakad mula PHILCOA hanggang bartlett. upang masilayan ang hindi nagbabagong itsura ng UP-CFA. ayun, isang palapag, madilim ang hallway at napupuno ng mga estudyanteng wirdo na may kanya kanyang dalang laptop. sa totoo lang, madami ring otakung emo dun. basta hirap iexplain.

anyways, dumerecho ako sa loob ng admin nila at yun, nakatagpo ako ng kapwa gustong magtransfer, at sa pagkakarinig ko galing siya ng UP Baguio, kaya lang disqualified, yung inapplyan ko na Bachelor's Degree in Visual Communication, di raw ako pupwede dun, hmm.... certificate program lang daw pede which is 3yrs. pero kinuha ko padin...
kasi sabi sakin nung babae, kapag natapos ko yung 3 yr, pede daw ako mag aral ulit, at 1 taon lang daw!! para maging bachelor's degree.... grabe pinahirapan nila ang version, dapat pala course na painting or industrial design nalang chinekan ko hmpf!!

inapproach ako ng isang babaeng mukhang mataray, pero sweet naman pala. hehehe sa kinasamaang palad, ang hinihingi niya ay xerox copy ng TOR at Good Moral, hayzz, edi larga nanaman, sakay ng UP ikot tapos baba sa shopping sa tapat ng church. sa totoo lang nakakahingal at nakakapayat ang mag-aral dito for sure.

sa wakas nakapag pasa na rin!! hehehe next stop, sa V.LUNA!! at dun mineet ko ang mga kapinsanan ko at syempre, sila tintin!! XD pinag usapan namin ang plans para sa OZINE fest... balak namin mag tayo ng booth. at mag benta ng mga accessories and costume. at sa ngayon, naisip ko na pedeng irecycle ang mga damit sa ukay ukay para gawing costume. XD

so exciting talaga ang araw ko. hehehe